Isang araw, tahimik na naglalaro ang ilang
maliliit na kanduli sa tabi ng mga halamang-dagat.
“Huwag kayong masyadong lalayo,” sabi ni
Tatay Kanduli. “Kaya pa kayong kainin ng mga kaaway natin,”
“Hindi po kami lalayo, Itay,” sabi ni Unang
Munti.
“Dito-rito lang po kami maglalaro, Itay,”
sabi naman ni Pangalawang Munti.
“Masyado naming takot si Tatay,” ungol ni
Pangatlong Munti. “Akala mo pirming may mangyayari sa atin!”
“Ssshhh!” saway ni Pang-apat na Munti. “Marinig
ka…”
“Malayo na si Tatay, hindi na maririnig si
Pangatlo,” sabi ni Pangalawang Munti.
“Pero bakit ka ba laging ganyan, ha?”
Hinarap ni Unang Munti ang sutil na kapatid. “Galit ka pa sa Tatay, e, tayo na
nga ang inaalagaan niya!”
“Bakit si Nanay, hindi katulad niya? Hindi
tayo lagging sinasaway?” sagot ni Pangatlong Munti.
“Iba naman si Nanay ,e,” sabi ni
Pangalawang Munti. “E, si Tata yang nag-aalaga sa atin buhat daw nang mga itlog
pa lamang tayo sa kanyang bibig,hanggang mapisa tayo. At hanggang ngayong
kakawag-kawag na tayo.”
“Hus, talagang nerbyoso siya!” sabi ni
Pangatlong Munti. “Talagang mas malakas ang loob ni Nanay kaysa sa kanya!”
At biglang sumibad ng langoy si Pangatlo
nang makitang susugurin siya ng mga kapatid. Nagtago siya sa kakapalan ng
halamang-dagat.
Buhat sa pinagkakanlungan, nakita niyang
palinga-linga ang kanyang mga kapatid.
“Bayaan mo nga silang maghanap.” sabi sa
sarili ni Pangatlong Munti.”Mahilo sila sa paghahanap! Ayaw na ayaw
mapipintasan si Tatay! Asa mo, si Tatay lamang an gaming magulang!”
Nang hindi Makita ng tatlong munting
kanduli si Pangatlo, nagsumbong sila sa ama.
“Lumayo po si Pangatlo,” sumbong ni Unang
Munti.
“Doon po nagsuot sa makapal na mga
halamang-dagat,” sabi ni Pangalawa.
“Hindi po naming makita, kahit hinanap na naming
nang hinanap,” sabi ni Pang-apat.
“Bayaan ninyo, ako na ang hahanap sa kanya,”
sabi ni Tatay Kanduli, “Diyan lamang kayo…ligtas kayo riyan.”
“Opo, Itay,” pangako ni Unang Munti.
“Hindi po kami aalis ditto,” sabi ni
Pangalawang Munti.
“Hihintayin po namin kayo,” sabi ni
Pang-apat. At naghanap na si Tatay Kanduli. Ngunit nagalugad na niya ang
kakapalan ng mga halamang-dagat, hindi pa rin niya Makita ang pangatlong anak.
“Saan kaya nagsuot ang batang ‘yon?”
Nag-aalala na si Tatay Kanduli.
At noon niya nakita ang ilang isdang
matutulis ang mga ngipin. Nakanganga. Waring gutom na gutom.
“May hinahabol sila!” at sabay ng kanyang
naisip na iyon, binilisan ni Tatay Kanduli ang paglangoy. Naunahan niya ang
grupo ng mga tumutugis nang bigla siyang pumailalim sa tubig at saka sumibat na
paitaas. Sinabat niya ang hinahabol ng grupo.
At nakita niya ang takot na takot na anak.
Biglang ngumanga si Tatay Kanduli. Kaagad
pumasok sa bibig ng magulang ang kakawag-kawag na anak.
Nagpaligid-ligid ang grupo ng mga
tumutugis. Ngunit hindi nila nakita ang hinahabol na munting kanduli.
Nagbalik na si Tatay Kanduli sa iba pang
mga anak. At nang naroon na, saka ngumanga muli at pinawalan si Pangatlong
Munti.
“Tatay, mahal na mahal ko kayo,” sabi ni
Pangatlong Munti. “Sa uli-uli po, hindi ko na kayo susuwayin.”
No comments:
Post a Comment