Saturday, January 14, 2017

Ang Munting Ibon (Maikling Kwento) ng Maranao

Ang Munting Ibon (Maikling Kwento) ng Maranao
Upang mapagtibay ang relasyon sa kapwa, maging magalang, matapat, at mabuti ka.

Noong unang panahon, may mag-asawang nanininrahan sa malayong bayan ng Agamaniyog. Sila sina Lokes a Babay at Lokes a Mama. Pangangaso ang ikinabubuhay ng mag-asawa subalit hindi lang ang lalaking si Lokes a Mama ang nangangaso kundi maging ang kanyang maybahay na si Lokes a Babay. Bago sumapit  ang takipsilim ay inilalagay na ng mag-asawa ang kani-kanilang bitag sa gubat at ang mga ito’y kanilang binabalikan sa madaling araw.

Isang gabi, habang nahihimbing si Lokes a Babay ay dahan-dahang lumabas ng bahay si Lokes a Mama upang tingnan ang kanilang mga bitag. Anong laking gulat niya nang makitang ang kanyang bitag na nakasabit sa puno ay nakahuli ng isang munting ibon samantalang ang bitag ng kanyang asawang nasa lupa sa tabi ng ugat ng isang malaking puno ay nakahuli ng isang malusog na usa. “Hmmm, hindi maaari ito,” ang sabi ni Lokes a Mama sa sarili. “Matabang usa ang nahuli ng bitag niya samantalang ang sa aki’y isang munting ibon lang ang nadale. Alam ko na. Pagpapalitin ko ang mga hayop na nahuli ng aming mga bitag,” ang nakangising wika ni Lokes a Mama habang inililipat ang usa sa kanyang bitag at saka itinali ang ibon sa bitag ng asawa. Umuwi si Lokes a Mama nang nasisiyahan sa kanyang ginawa kahit alam niyang isang panloloko ito sa kanyang asawa.

Kinabukasan, maagang ginising ni Lokes a Mama ang asawa. Gusto niya kasing sabay silang magtungo sa kagubatan upang sabay ring Makita ang mga huli ng kani-kanilang mga bitag. Gulat na gulat si Lokes a Babay nang makita ang matabang using nakasabit sa bitag ng asawang nasa itaas ng puno samantalang ang kanyang bitag na nasa tabi ng puno ay nakahuli lang ng isang maliit na ibon. Ipinagtataka niya kung paanong ang bitag na nasa itaas ng puno ang nakahuli ng isang usa subalit hindi na lang siya kumibo. Sa halip, iniuwi niya ang munting ibon at inilagay ito sa isang hawla.

Samantalang, iniuwi naman ni Lokes a Mama ang kanyang huli at saka iniluto. Umaamoy sa kapaligiran ang nakakagutom na amoy ng nilulutong usa subalit nang handa na’y agad itong nilantakan ng lalaki nang hindi man lang nag-alok sa kanyang asawa. Sinolo niyang kainin ang buong usa sa loob ng tatlong araw kahit alam niyang gusto rin ito ng kanyang asawa. Isa pa’y ang bitag naman talaga ni Lokes a Babay ang totoong nakahuli sa usa. Likas siyang maramot at walang pagpapahalaga sa asawa kaya hanggang sa maubos ang usa ay hindi niya binigyan si Lokes a Babay na nanatiling walang kibo sa kabila ng ginagawa ng asawa.

Nang maubos niya ang nilutong usa ay muling niyaya ni Lokes a Mama ang asawa. “Gusto ko uling makatikim ng matabang usa. Halika, maglagay tayong muli ng bitag sa gubat,” ang kanyang paanyaya sa asawa. Muli, naglagay ang dalawa ng kani-kanilang mga bitag. Subalit hindi marunong umakyat ng puno si Lokes a Babay at dahil hindi man lang siya tinulungan ni Lokes a Mama ay  inilagay na lang niya uli ang kanyang bitag sa tabi ng puno kung saan siya dating naglalagay.

Hatinggabi nang mamalayan ni Lokes a Babay ang kanyang asawang bumangon at dahan-dahang lumabas ng pinto. Nagkunwari siyang tulog. Matalinong babae si Lokes a Babay at nahulaan niya ang ginagawa ng asawa. Subalit wala siyang intensyong sundan ito. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan”, ang tahimik niyang naibulong sa sarili at saka niya pinilit makatulog kahit pa siya’y nagdaramdam sa ginagawang pagtrato sa  kanya ng asawa.

Nang siya’y makatulog ay nanaginip siya. Napanaginipan niyang pinakakain daw niya ng palay ang kanyang alaga at anong laking gulat niya nang mangitlog ito ng isang montias o isang mamahaling hiyas.

Nagising na lang siya dahil tinatawag na pala siya ni Lokes a Mama para tingnan ang kanilang mga bitag. Subalit wala na siyang interes sa bitag. “Ikaw na lang ang pumunta,” ang sabi niya sa asawa. “Masakit ang ulo ko at mas gusto ko pang magpahinga na lang.” ang dugtong pa niya.

“Bahala ka. Basta’t pag may nahuli ako ay hindi uli kita bibigyan. Kanya-kanya tayo,” ang sabi ni Lokes a Mama habang pababa ng hagdan. Hindi sumagot si Lokes a Babay. Sanay na siya sa pagiging tuso at madamot ng kanyang asawa. Wala rin itong pagpapahalaga sa kanya at hindi niya naramdamang mahal siya nito.

Pagkaalis ng kanyang asawa ay agad niyang pinuntahan ang kanyang munting ibon. Kumuha siya ng palay at ipinatuka sa ibon. Gayon na lang ang kanyang panggigilalas nang makitang pagkalunok nito sa palay ay biglang nangitlog ng isang maningning na diyamante ang ibon. Dinampot niya ang diyamante. “Mayaman na ako! Mayaman na ako!” ang paulit-ilit niyang sabi sa sarili habang itinatago ang mamahaling bato.

Tulad ng dati, pag-uwi ng kanyang asawa ay iniluluto nito ang kanyang huli at mag-isang kumakain nang hindi man lang nag-aalok. Subalit hindi na ito pansin ni Lokes a Babay ngayon. Sa halip ay masaya siyang humuhuni ng paborito niyang himig habang gumagawa sa bahay na labis namang  ipinagtataka ng kanyang asawa.

Araw-araw nga, pagkaalis ng kanyang asawa upang kunin ang anumang nahuli ng kanilang bitag ay pinakakain naman niya ng palay ang ibon at saka mag-aabang sa ilalabas nitong diyamante. Walang kamalay-malay si Lokes a Mama na marami na palang naiipong diyamante si Lokes a Babay.

Isang araw, habang mag-isa na namang kinakain ni Lokes a Mama ang kanyang inilutong huli ay nagsalita si Lokes a Babay. “Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa akin. Alam ko na ang ginagawa mong panloloko sa akin. Bukod pa riyan hindi ko na rin kayang tiisin ang pagiging maramot mo at kawalan mo ng pagpapahalaga sa akin,” ang buong kapaitan niyang sabi sa asawa na hindi man lang tumingala mula sa pagngasab sa niluto niyang ligaw na pato. “Payag na ako sa dati mo pang sinasabing pakikipaghiwalay sa akin. Magmula ngayon, lilipat na ako ng tirahan at hindi na kita aabalahin subalit huwag na huwag mo na rin akong aabalahin.” ang pangwakas na sabi ni Lokes a Babay.

Medyo nakonsensya naman ang lalaki dahil totoong lahat ang sinabi sa kanya ng asawa. Pero ito na ang pinakahihintay niyang pagkakataon. Ngayon ay Malaya na siya. Matagal na niyang sinasabi kay Lokes a Babay na gusto niyang makipaghiwalay subalit hindi ito pumapayag. Ngayon ay heto at pumapayag na siya sa kanyang kagustuhan.

Nag-impake si Lokes a Babay ng kanyang mga gamit at dala ang pinakamamahal niyang ibon at umalis siya ng bahay. Naiwan naman si Lokes a Mama at ipinagpatuloy lang ang kanyang pangangaso.

Samantala si Lokes a Babay ay bumili ng isang malawak na lupain at nagpatayo ng isang torogan o malapalasyong tahanan. Kumuha siya ng mga guwardiya at mga katulong na magsisilbi sa kanya. Naging maayos at masagana ang kanyang pamumuhay. Nabalitaan ni Lokes a Mama ang napakagangdang kalagayan sa buhay ng kanyang dating asawa kaya’t muli siyang nagplano.

“Babalikan ko si Lokes a Babay para makasalo rin ako sa kanyang kayamanan. Hindi ko alam kung saan niya kinuha ang kanyang kayamanan subalit dapat lang na makinabang din ako,” ang sabi sa sarili ng tusong lalaki.

Subalit napaghandaan na pala ito ni Lokes a Babay. Kilala niya kasi ang pagiging tuso at manloloko ng asawa kaya’t pinabilinan niya ang kanyang mga guwardiya na huwag na huwag itong palalapitin man lang sa kanyang magarang tahanan. Kahit anong gawin ni Lokes a Mama ay hindi na nagpaloko sa kanya ang asawa.


At magmula noon, namuhay sa bayan ng Agamaniyog si Lokes a Babay nang maligaya, masagana, at payapa.

193 comments:

  1. kailan po nasulat at bakit po ito isinulat

    ReplyDelete
    Replies
    1. Para malaman natin kung ano ano ang mga alamat noon

      Delete
    2. Kasalanan pa nmn kong bimasa nyo mga putang nag rereklamo alm ko kaya mlnyk nmn ito binasa kasi ass. Nyo to

      Delete
    3. marami po kami napulutan ng aral dahil po jaan sa kuwento

      Delete
    4. Maikli lang naman talaga ah.. Akala nyo lang mahaba kasi isinusulat at binabasa.. Kung ikkwento lng maiksi lang tlga..

      Delete
    5. Ang ganda kaya ng kwento.. Intindihin mo kasi.. Wag mong basehan ang haba ng sulat kundi yung tlgang kwento.. Ang ganfmda kaya.. Cguro yang mga nagrereklamo jan isa yan sa mga hindi mapagpahalaga.. Mga mapagisip yang mga yan at maramot.. Hehehhe.. ✌✌

      Delete
    6. Maganda syang basahin at maraming matutunan na aral sa kwentong ito mahaba maikli okay lang.

      Delete
    7. takte!maikli ba ito?!pero tenkyu!labas lahat ang may ass na ganito!syempere tayong lahat yun sincerch niyo rin etoh eh!

      Delete
    8. haysstt kala nyo maikli? parang pagmamahal ko sakanya kala nya maikli!!mahaba ang pagmamahal ko sakanya kaso sinayang kang nya!!??

      Delete
    9. haysstt kala nyo maikli? parang pagmamahal ko sakanya kala nya maikli!!mahaba ang pagmamahal ko sakanya kaso sinayang kang nya!!??

      Delete
    10. Sino po sumulat ng kwento?(3)

      Delete
    11. Wag na kayung mgalit kayu na nga binigyan ng sa gut

      Delete
  2. Putangina maikli ba talaga to putangina Ang haba 😀😀😀😀😀😀😀😀😀😀

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAHAHA.Kala ko nga maikli din eh. Haha

      Delete
    2. Putangina ka din sama mo wah

      Delete
    3. grabe namn ang haba puta kung sino ang nag sukat nito

      Delete
    4. Puta ka bat ka nagrereklamo?ano?suntukan!πŸ‘Š

      Delete
    5. Ang ganda ng storya salaman sa pag susulat

      Delete
    6. Hindi purkit SHORT STORY O MAIKLANG KUWENTO ibig sabihin maikli talaga...ibig sabihin kahit na ito ay maiklng kuwentoay matutunan ka parin...hindi yung ibang kuwento mga lobg story...may mga ibat ibang kabanata pa.pag ka sinabing short story...wala itong kabanata.πŸ‘πŸ‘ŒVASAHIN MO KASI.MAIKLI NGA LANG.SAKA thank u po sa naglathala ng kuwentong bayan na ito.saka kung maari po...pakisagot.tama po ba to?kasi homework ko po😊maraming salamat po.saka mr.or ms. Bawasan niu po ang pagmumura...or tanggalin niyo po ang ugaling ganiyan...isa po iyon kasalan sa Diyos😌

      Delete
    7. ang maikling kuwento ay tinawag na maikling kuwento hindi dahil sa maikli lang ito kundi dajil ito ay may iisang banghay lamang.

      Delete
    8. kuya wla kang modo puta mo rin just be patience para namn rin sa ikabubuti mo ang pag babasa

      Delete
    9. ahhaahahahahahha magan da talaga
      ito dahil filipino ito

      Delete
  3. Putangina maikli ba talaga to putangina Ang haba 😀😀😀😀😀😀😀😀😀😀

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di po kase porke nakita mong short story/maikling kuwento ay literal na maikling kuwento un. Isip isip din. Ang maikling kuwento ay karaniwang naglalaman ng aral di tulad ng karaniwang kuwento, at mayroon din itong mga elemento kung saan ito ang nagsisilbing pagkakaiba nito sa ibang uri ng mga tekstong nakasulat.

      Delete
    2. Kaya nga tama ka jan....πŸ˜ŠπŸ˜ƒ

      Delete
    3. Kaya ito tinawag na maiklig kwento ay dahil wala itong mga kabanata ay mayroon lamang isang kakintalan.

      Delete
    4. tama poba yan???ass ko po kasi sa filipino

      Delete
    5. Gago nag sulat pa ko ng napakahaba maikling kwento lang palaπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

      Delete
    6. Pacita complex national high school

      Delete
    7. 4,096 letters lahat

      Delete
  4. Ang putang inang mahabang kwento

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dapat make sure na handa kang mag hintay kahit gaano kaikli o kahabang kwento

      Delete
    2. Maikling kwento ay natatapos lamang sa maikling oras.Aral muna

      Delete
    3. Maikli nga haha🀧😭🀣

      Delete
  5. Thank you so much ����

    ReplyDelete
  6. Hehe ass ko toh
    Salamat po ang gnda ng kwento sobra😍

    ReplyDelete
  7. FOCK ANG HABA πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

    ReplyDelete
  8. may itatanong lng po ako sa paanong paraan niloloko ni lokes a mama ang kanyang asawa na si lokes a babay

    ReplyDelete
    Replies
    1. diba yung malaking usa ay andun kay lokes a babay tapos munting ibon lang yung kay lokes a mama...pinagpalit ni lokes a mama kaya yun niloko siya ni lokes a babay ..hindi siya nakuntento sa ibon

      Delete
    2. Sa paraang ipinagpalit ni lokes a mama ang huli ng bitag nya sa huli ng bitag ni lokes a babay.. Yung panloloko na yun.. Kasi d nya matanggap sa sarili nya na yun lang ang huli nya.. (ang tawag sa taong yun mapang lamang)

      Delete
  9. Ano ang paniniwala, tradisyon at kultura sa kwento

    ReplyDelete
  10. thank you po sa nagsulat naktutulong po ito sa amin

    ReplyDelete
  11. Assignment namin haysssπŸ˜‚

    ReplyDelete
  12. Assignment namin haysssπŸ˜‚

    ReplyDelete
  13. Thank you na nagawa ko na ang assignatura ko

    ReplyDelete
  14. Thank you..ipagpatuloy mo po..masking tulong sa asignatura ng anak ko 😊..godbless

    ReplyDelete
  15. Sino ang author o ang nagsulat

    ReplyDelete
  16. Ito ba yung word-to-word copy sa mga pluma books? Or yung gumawa nito nagsummarize "in their own words"?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yan yung copy sa pluma book na NASA page 9-12

      Delete
    2. Yan yung copy sa pluma book na NASA page 9-12

      Delete
    3. This comment has been removed by the author.

      Delete
  17. Pwede ko po bang mahiram ito Hindi po ako ng pahintulot

    ReplyDelete
  18. Hai nko and sakit sa kamay nito and habaT~T

    ReplyDelete
  19. Hai nko and sakit sa kamay nito and habaT~T

    ReplyDelete
  20. Guys sino po may alam Kong bakit monting ibon po and pamagat assignment LNG po to plss tulongan nyu po ako

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kasi ito ang nahuli at nakatulog kay Lokes a Babay na makaahon sa buhay

      Delete
    2. Dahil ang monting ibon ang nagbibigay ng marangyang buhay kay lokes a babay.. Nangingitlog pati ng dyamante.. Kung papansinin nyo tlga.. Maiisip nyo na d porket maliit ka lng wla ng pakinabang.. Kaya nga ang sabi small but terrible dba nga..

      Delete
  21. Guys sino po may alam Kong bakit monting ibon po and pamagat assignment LNG po to plss tulongan nyu po ako

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kasi nga po kung wala pong munting ibon, ay Hindi po yumaman si Lokes a Babay

      Delete
  22. thanx sa info first day of school may ass kami at ito pa thanx

    ReplyDelete
  23. Kala ki maikli lang pero bat ang haba

    ReplyDelete
  24. ass ko din to
    pakisagot:ano ang magandang kapalaran na dumating kay Lokes A babay?????

    ReplyDelete
  25. Thanks po nagawa ko napo assignment ko at ang ganda po ng. Story kala ko din maikling kwento pero. sabi ng teacher ko porke mailing kwento maikli na

    ReplyDelete
  26. Napaka sarile naman ni lokes al bay bay

    ReplyDelete
  27. Hhaah 4 hrs ako bago natapos ang haba ksi e pero magnda ang story hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Grabe ah.. 4hrs tlaga?? Mabagal ka lng magbasa kaya ganun.. ✌✌

      Delete
  28. ano po ang tradisyon sa kwentong ito

    ReplyDelete
  29. Ang ganda nangstorya!
    Kasi maraming manloloko ngayon πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜­πŸ˜­πŸ˜­

    ReplyDelete
  30. Thanks po sa nagsulat may napulot din po kong aral assignment po kasi namin toh

    ReplyDelete
  31. Kami print nlng daw to XD

    ReplyDelete
  32. ang haba naman pero maganda amg kwento

    ReplyDelete
  33. Grabe ang ikli puta
    Sipain ko muka nyo eh

    ReplyDelete
  34. Naguguluhan ako sabi maikli pero ang haba dapat isinulat nalang mababang kwento parang ayo kong isulat

    ReplyDelete
  35. Maraming salamat po sa istoryang ito. Marami kang maturutunan. Hindi lang talaga marunong umintindi yung iba

    ReplyDelete
  36. Mahaba man pero madaming ka parin matutunan hindi ganyan ang ugali ng ibang tao

    #nasahuliangpagsisisi

    ReplyDelete
  37. I thought po ito ay kwentong bayan at hindi maikling kuwento

    ReplyDelete
  38. La akong natutunan joke lang po pero ang ganda ng istorya at marami kang matututunan at kung pwede lang iamoy ang istorya na to magigi na tong pinakamabagong bulaklak sa mundo

    ReplyDelete
  39. sulit naman yng pagod kase mag ka-ka grade din kahhit paano at ok lng kahit mahaba sulit naman pagod ehh

    ReplyDelete
  40. Im a grade9 student at tapos n kmi dyan dapat d ko n to binabalikan but no choice i have a cousin in grade 7 and i need to accomplished this before their deadline ..

    ReplyDelete
  41. ASK GRADE 7 ME TNX FOR TECHING US..

    ReplyDelete
  42. Hahahaha pota Ang haba I'm a grade 7

    ReplyDelete
  43. tank you sayo dahil nasagutan Ko yung assignment ko

    ReplyDelete
  44. Sa haba naman ang hirap isulat ehh

    ReplyDelete
  45. Grabe short story daw pero ang haba hahaha. Haba nakailang page ang notebook ko sa kwentong yan. Thx po pala sa nag sulat niyan kasi nagawa ko assignment ko

    ReplyDelete
  46. Kapagod mag sulat ang haba whaaaaa T-T

    ReplyDelete
  47. ano ano po bang tradisyon at
    kultura ang puedeng makuha dito sa kuwento

    ReplyDelete
  48. Ano Yung buod Ng kwento
    Please

    ReplyDelete
  49. Shbfjdufufrfu DJ djdudjjfjcufufsjfjdueugud

    ReplyDelete
  50. napaka gandang kwento may aral kang mapupulot.

    ReplyDelete
  51. kailan po yan isinulat at saan nagmula
    yang kwuenr

    ReplyDelete
  52. Thanks po may test kmi tungkol dito

    ReplyDelete
  53. Maganda ang kuwento ng munting ibon at
    nagpapasalamat po ako sa kuwento salamat po😁😁😁😁😁😁😁

    ReplyDelete
  54. Guys.. iba ang ibig sabihin ng maikling kuwento at mahaba. Ang maikling kuwento mga 1-8 pages iyan siya. Ang mahabang kuwento 1-20 or more.

    ReplyDelete
  55. ano po ang kultura,tradisyon at paniniwala dito sa kwento??

    ReplyDelete
  56. LESSON OF THE STORY:
    WAG MASIBA KUNDI IIWAN KA

    ReplyDelete
  57. Pinagsisihan kopong binasa koto, assignment lang naman ih huhu:(

    ReplyDelete
  58. Replies
    1. Im a grade 7 binasa koto kase sasagutan namen ako work sheet Hahahhah

      Delete
    2. Basahin nyo nalang kase mabute

      Delete
  59. Guyz awayin koden ba mga kasama ko dito pag inubusan ako ng pagkain?

    ReplyDelete
  60. Sobrang gandang kwento, upang maging aral sa lahat. Si Lokes a Babay ay isang napakatalinong tao, Palaban sa sarili. kinaya ang lahat, sana lahat ng babae ay katulad nya isang palaban.

    ReplyDelete
  61. Ano po klse ng kwentong bayan ito pagdi nyo sinabi πŸ‘Š☹️πŸ‘Š

    ReplyDelete
  62. kung ikaw si lokes a bahay ano ang gagawin mo kapag ito ang pagtrato ng asawa mo sa iyo

    ReplyDelete
  63. Sino po nag sulat nitong kwentoπŸ˜ƒ

    ReplyDelete
  64. Wow, cool post. I'd like to write like this too - taking time and real hard work to make a great article... but I put things off too much and never seem to get started. Thanks though. κ²€μ¦μ‚¬μ΄νŠΈ

    ReplyDelete