Saturday, January 14, 2017

Kuwentong-bayan (Kahulugan at Halimbawa)

Kuwentong-bayan (Kahulugan at Halimbawa)
Ang mga kuwentong-bayan ay bahagi ng ating katutubong panitikang nagsimula bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ito’y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita. Nasa anyong tuluyan ang mga luwentong-bayan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap.

Maraming kuwentong-bayan ang pumapaksa sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari tulad ng ibong namgimgitlog ng ginto o kaya’y mga nilalang na may pambihirang kapangyarihan tulad ng mga diyosa, mga anito, diwata, engkantada, sirena, siyokoy, at iba pa. Masasalamin sa mga kuwentong-bayan ang kaugalian, pananampalataya, at mga suliraning panlipunan sa panahon  kung kalian ito naisulat. May mga kuwentong-bayang ang pangunahing layunin ay makapanlibang ng mga mambabasa o tagapakinig subalit ang karamihan sa mga ito ay kapupulutan din ng mahahalagang aral sa buhay.

May mga tampok o kilalang kuwentong-bayan ang bawat rehiyon sa Pilipinas. Nagkaroon na nga lang ng iba’t ibang bersiyon ang mga ito dahil sa lumaganap ito nang pasalita, kaya’t minsa’y binabago ng tagapagkuwento ang mga detalye na nagdudulot ng ibang bersiyon dahil sa pagbabago sa banghay o pagdaragdag ng mga tauhan bagama’t nananatili ang mga pangunahing tauhan gayundin ang tagpuan kung saan naganap ang kuwentong-bayan.

Uri ng Kuwentong-bayan
1. Kuwentong-bayan Tagalog
Si Mariang Makiling
Si Malakas at Si Maganda
Mga Kuwento ni Juan Tamad

2. Mga Kuwentong-bayan sa Bisaya
Ang Bundok ng Kanlaon
Ang Batik ng Buwan

3. Mga Kuwentong-bayan sa Mindanao
Isang Aral Para sa Sultan
Si Monki, si Makil, at ang mga Unggoy

Ang Munting Ibon

16 comments:

  1. I have read this information in one book but as I reading other source in the internet, I came across with two (pinoycollection.com and presi.com) that say Alamat, mito, pabula, at parabula belongs to kwentong bayan as well since they show unusual events and charaters. Aside from that, they also tackle social and political issues, culture and tradition of these stories where they came from. So is there really any difference between kwentong-bayan and these four?

    ReplyDelete
  2. I hope to get a reply from the one who posted this kasi kailangan kong maliwanagan.

    ReplyDelete
  3. I hope to get a reply from the one who posted this kasi kailangan kong maliwanagan.

    ReplyDelete
  4. Uri ng Kuwentong-Bayan
    Ang pagkakaalam ko po ay ang mga sumusunod mito/mitolohiya, pabula, alamat, parabula at maikling kuwentong-bayan.
    'Tong mga binigay niyo ehh mga halimbawa ng kuwentong-bayang lumaganap sa ating bansa.
    Salamat po!

    ReplyDelete
  5. FUCK YOU!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete