Ang
Pakikipagsapalaran ni Labaw Donggon
Ang
Pag-iibigan nina Diwatang Alunsina at Datu Paubari
Ipinag-utos ni Kaptan, ang hari ng
mga diyos at diyosa na ang magandang diwatang si Alunsina ay ikasal pagsapit
niya sa edad ng pagdadalaga. Maraming makikisig na diyos sa iba’t ibang bahagi
ng daigdig ang naghangad sa kanyang kamay subalit silang lahat ay nabigo dahil
si Alunsina ay umibig at nagpakasal sa isang mortal na si Datu Paubari, ang
pinuno ng Halawod.
Dahil dito’y nagalit ang mga
manliligaw ni Alunsina at nagkaisa silang gantihan ang bagong kasal. Binalak
nilang sirain ang Halawod sa pamamagitan ng isang malaking baha. Mabuti na
lamang at nalaman ni Suklang Malayon, kapatid ni Alunsina ang maitim na balak
ng mga nabigong manliligaw kaya’t ang magkabiyak ay nakatakas patungo sa isang
mataas na lugar kaya’t sila’y nakaligtas sab aha. Bumalik sila nang napawi na
ang baha. Tahimik silang nanirhan sa bukana ng Ilog Halawod.
Pagkalipas ng ilang buwan ay
nagsilang ng tatlong malulusog na sanggol na lalaki si Alunsina. Labis-labis
ang kaligayahan ng mag-asawa sa pagdating ng kanilang mumunting biyaya.
Pinangalanan nilang Labaw Donggon, Humadapnon, at Dumalapdap ang tatlong
sanggol. Ipinatawag nila agad si Bungot-Banwa, ang iginagalang na pari ng
kanilang lahi upang isagawa ang ritwal na magdudulot ng mabuting kalusugan sa
tatlo. Nagsunog si Bangot-Banwa ng talbos ng halamang alanghiran na sinamahan
niya ng kamangyan at saka inialay sa isang altar. Pagkatapos ay binuksan niya
ang bintana at sa pagpasok ng malamig na hangin mula sa hilaga, ang tatlong
sanggol ay biglang nagging malakas at makikisig na binate.
Ang
Pakikipagsapalaran ng Panganay na si Labaw Donggon
Sa tatlong magkakapatid, si Labaw
Donggon ang nagpakita ng interes sa magagandang babae. Nang marinig niyang may
isang magandang babaeng bagngangalang Angoy Ginbitinan mula sa bayan ng Handug
ay nagpaalam agad siya sa ina upang hanapin ang dalaga. Pagkalipas ng ilang
araw na paglalakbay sa mg kapatagan, kabundukan, at mga lambak ay narrating din
niya ang Handug. Kinausap niya ang ama ng dalaga upang hingin ang kamay ng
anak. Sinabi ng ama na papaya lamang siyang makasal ang anak na si Angoy
Ginbitinan kay Labaw Donggon kung mapapatay niya ang halimaw na si Manalintad.
Agad pinuntahan ni Labaw Donggon ang halimaw at nakipaglaban siya rito. Napatay
niya ang halimaw at binigay ang pinutol na buntot nito sa ama ni Anggoy
Ginbitinan bilang patunay ng kanyang tagumpay. Ikinatuwa ito ng ama kaya’t
pumayag siyang ipakasal ang anak kay Labaw Donggon. Pagkatapos ng kasal ay
naglakbay ang dalawa pabalik sa tahanan nina Labaw Donggon.
Sa kanilang paglalakbay ay may
nasalubong silang mga binate na nag-uusap-usap tungkol sa isang napakagandang
dalagang nagngangalang Abyang Durunuum na nakatira sa Tarambang Burok. Narinig
niya mula sa usapan ng mga binate na sila’y papunta sa tirahan ng dalaga upang
manligaw sa kanya. Naging interesado sa narinig si Labaw Donggon kaya naman
pagkalipas lang ng ilang linggong pagsasama ay inihabilin niya ang bagong asawa
sa inang si Alunsina at siya’y naglakbay na patungo sa Tarambang Burok upang
suyuin si Abyang Duruunum. Nagtagumpay si Labaw Donggon na mapaibig ang
napakagandang si abyang Durunuum.
Subalit hindi pa roon nagtapos ang
kanyang paghahanap ng mapapangasawa sapagkat pagkalipas ng ilang panahon nabalitaan
na naman niyang may isa pang napakagandang babae, si Nagmalitong Yawa
Sinagmaling Diwata na asawa ni Buyong Saragnayan, ang diyos ng kadiliman. Nais
din niyang mapangasawa ito. Sinabi ni Donggon ang kanyang balak sa dalawang
asawa. Ayaw man nila, wala naman silang nagawa.
Sumakay si Labaw Donggon sa isang
inagta o itim na bangka at naglayag sa malalawak na karagatan patungong Gadlum.
Naglakbay rin siya sa malalayong kaulapan at sa mga batuhan hanggang sa
marating niya ang Tulogmatian, ang tahanan ni Buyong Saragnayan. Agad siyang
hinarap ni Saragnayan at tinanong kung ano ang kanyang kailangan. Sinabi niyang
gusto niyang mapangasawa si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Pinagtawanan
ng diyos ng kadiliman si Labaw Donggon at sinabing imposible ang hinahangad
nito dahil asawa na niya ang diwata.
Subalit hindi basta sumuko si Labaw
Donggon. Hinamon niya sa isang labanan si Saragnayan at sila’y naglaban sa loob
ng maraming taon. Inilubog ni Labaw Donggon ang ulo ni Saragnayan sa tubig sa
loob ng pitong taon subalit hindi niya pa rin napatay ang diyos ng kadiliman.
Binayo niya nang binayo subalit hindi rin niya ito nagapi. Sa pamamagitan ng
pamlang o anting-anting ni Saragnayan ay natalo niya ang noo’y nanghihina at
pagod na pagod nang si Labaw Donggon. Ibinilanggo niya si Labaw Donggon sa
isang kulungan sa ilalim ng kanyang tahanan.
Samantala, kapwa nanganak ang
dalawang asawa ni Labaw Donggon. Parehong lalaki ang nagging anak nila. Ang
anak ni Angoy Ginbitinan ay tinawag niyang Asu Mangga samantalang ang anak ni
Abyang Durunuum ay pinangalanang Abyang Baranugon. Nakapagsalita at nakatindig
agad ang mga bata. Hinanap nila kapwa ang kanilang ama.
Sa kanilang paghahanap ay
nagkasalubong ang magkapatid sa karagatan. Naglalakad sa ibabaw ng tubig si
Baranugon at lulan naman ng bangka si Asu Mangga. Napag-alaman nilang kapwa
nila hinanap ang amang mahilig sa magagandang babae. Naglakbay sila patungong
Tulogmatian kung saan nila nalaman ang ginawa ni Saragnayan sa kanilang ama.
Sinabihan nila itong pakawalan ang kanilang ama. Pinagtawanan lamang ni
Saragnayan ang sinabi ng mga anak ni Labaw Donggon kaya’t hinamon siya ng mga
ito sa isang labanan. Buong tapang na nakipaglaban ang magkapatid kay
Saragnayan.
Ngunit napakahusay ni Saragnayan
kaya’t hindi nila ito matalo-talo. Bumalik si Baranugon sa kanilang lolang si
Abyang Alunsina upang sumangguni. Dito niya nalamang ang kapangyarihan pala ni
Saragnayan ay nakatago sa isang baboy-ramo. Mapapatay lamang daw si Saragnayan
kapag napatay ang baboy-ramong kinatataguan ng kanyang hininga. Sa tulong ng
taglay nilang anting-anting ay natagpuan at napatay ng magkapatid ang
baboy-ramo. Sa pagkamatay ng baboy-ramo ay nanghina si Saragnayan kaya’t madali
na siyang napatay ng palaso ni Baranugon. Gayunma’y hindi rin nila nakita ang
ama sa bilangguan nito. Maging ang mga tiyo nilang sina Humadapnon at
Dumalapdap ay tumulong na rin sa paghahanap kay Labaw Donggon. Pagkalipas ng
mahabang panahon ng paghahanap, natagpuan din nila ang ama sa loob ng isang
lambat na nasa may pampang malapit sa
bahay ng asawa ni Saragnayan.
Subalit wala na ang dating kakisigan
at kagitingan ni Labaw Donggon. Nawala ito dahil sa matagal na pagkakakulong
nang dahil sa labis na paghahangad sa magaganda, kahit na may asawa nang babae.
Naibalik ng magkapatid sa kanilang tahanan si Donggon subalit hindi pa rin
nawala ang pagnanais nitong makahanap pang muli ng magagandang mapapangasawa.
Ikinagalit ito ng kanyang dalawang asawa subalit ipinaliwanag niyang
pantay-pantay ang gagawin niyang pagmamahal sa kanyang mga asawa. Ipinagdasal
ng dalawang babaeng nagmamahal sa kanya na muling lumakas si Donggon. Hindi nga
nagtagal ay muling nagbalik ang kakisigan at lakas ni Labnaw Donggon.
wow
ReplyDeleteThank you so much! We're able to use this.
ReplyDeleteThenk u po!!helpful to para sa test ko bukas
ReplyDeleteMy test is october 17-18 2019
ReplyDeleteowemji wag kase masyadong babaero
ReplyDeleteLamats po sa help!
ReplyDeletePenge jowaaaaaaaa
ReplyDeleteHahahahahahahha
DeleteEyyy what zuppo
DeleteThankieee... This thing really helped me on my research
ReplyDelete