Noong araw ay walang mga babae sa lupa. Ang
naninirahan rito ay panay mga lalaki. Nabubuhay sila nang matiwasay. Sagana
sila sa pagkain. Ang simoy ng hanging kanilang nilalanghap ay puno ng halimuyak
ng mababangong bulaklak. Sa buong maghapon, wala silang ginagawa kundi magsaya,
magpalakas at magpalusog ng katawan. Hindi nila nakikilala ang kalungkutan, ang
sakit, ang uhaw at ang gutom.
Minsan sa pagpupulong ng mga diyos sa
Bundok ng Olimpo ay nagkaisa silang padalhan ng kaparusahan ang mga lalaki sa
pamamagitan ng isang babae. Hiniling nila sa diyos na manlililok na si Hepestus
na humubog ng isang babae. Sumunod naman ang nahilingan. Ubod ng ganda ang
babaeng kanyang hinubog. Humanga ang lahat ng diyos. Inialay nila sa bagong
likhang babae ang lahat ng kahanga-hangang handog. Ibinigay sa kanya ni Apollo
ang kahusayang umawit. Ibinigay sa kanya ni Hermis ang kapangyarihang mang-akit
at mang-udyok. Ginawa siyang kaibig-ibig ni Aprodayte. Tinawag siyang Pandora
na ang ibig sabihin ay “kabuuan ng mga kahanga-hangang handog ng lahat ng diyos.”
Si Hermes ang nahirang na maghatid kay
Pandora sa lupa. Inihatid niya si Pandora kay Epimitiyus na kapatid ni
Prometiyus. Isang mahiwagang kahon na ang laman ay di batid ng dalaga ang
ipinabaon sa kanya.
Malugod na tinanggap ni Epimitiyus si
Pandora. Noon lamang siya nakakita ng isang kahanga-hangang dilag na
pinagtipunan na yata ng lahat ng katangian sa daigdig. Ipinagdiwang ng kanyang
mga kaibigan ang pagkakaroon niya ng magandang kapalaran. Noon, hindi pa kilala
ng mga lalaki ang inggit at panibugho.
Sa ganang kay Epimitiyus at sa kanyang mga
kaibigan, ay matamis pa sa awit ng mga ibon ang awit ni Pandora. Kinagawian na
nilang magtipun-tipon tuwing dapithapon upang pakinggan ang magagandang alamat
na sadyang nilikha ni Pandora para awitin sa kanila.
Marami ding pananhong nagging maligaya si
Pandora sa piling ni Epimitiyus. Para sa kanya ay bago at maganda ang daigdig.
Ara-araw, maraming mga bagay siyang natutuhan. Natalos niya ang hiwaga ng apoy.
Nabatid niya ang ukol sa kahanga-hangang init ng araw at ang tungkol sa kataka-takang
lamig ng gabi. Natikman niya ang iba’t-ibang lasa ng masasarap na bungangkahoy.
Gayunman, sa kanyang isipan ay may isang bagay na umuukilkil, isang alalahaning
nagdudulot ng ligalig sa kanyang kalooban at nagtatangkang gumiba sa lahat ng
kaligayahang kanyang tinatamasa. Ito’y ang nauukol sa kahon na kasama niya nang
siya’y ihatid ni Hermis sa lupa. Mahigpit ang bilin ni Hermis na ang kahon ay
huwag niyang bubuksan. Sa palagay ni Pandora, ang pagkaalam sa laman ng kahon
ang tanging kulang upang masabi niyang nababatid niya ang ukol sa lahat ng
bagay sa daigdig. Lumalakad ang araw ay sumisidhi ang kanyang pagnanasang
mabatid ang nasa loob ng kahon. Gayon na lamang ang kanyang pananabik.
“Marahil,” ang naisip ni Pandora, “may mga
kaakit-akit na bagay sa loob ng kahon na makapagdudulot sa aki ng ibayong
kagandahan. Gaya halimbawa ng busilak na kasuotan ni Hira o kaya’y ng
ginintuang mga hiyas ni Aprodayte.”
Naging palaisip si Pandora. Araw-araw ay
binubuhay niya kung ano ang laman ng kahon. Bihira na siyang mangiti. Noon
naramdaman ni Epimitiyus ang unang kalungkutan. Nalulungkot siya kapag walang
kibo si Pandora. Sa wakas, ipinagtapat sa kanya ng babae ang suliraning
gumugulo sa kanyang isip. Hiniling niyang buksan ni Epimitiyus ang kahon.
Natakot si Epimitiyus.
“Buksan ang kahon! Gawin ang isang bagay na
ipinagbabawal ng mga diyos?” ang kanyang bulalas. “Hindi ko magagawa iyan.
Habang tayo’y nabubuhay, mananatiling nakapinid ang kahon sa loob ng ating
tahanan. Hindi ko iyan mapangangahasang buksan kailanman.”
Umalis si Epimitiyus at nagtungo sa piling
ng kanyang mga kaibigan. Naiwang natitigilan si Pandora sa tabi ng kahon.
Nang sumunod na mga araw, pinigilan ni
Pandora ang kanyang nasang mabuksan ang kahon. Ngunit isang araw ay umalis si
Epimittiyus. Naiwang naag-iisa sa bahay ang babae. Nanaig sa kanya ang
hangaring matalos ang laman ng kahon. Kinuha niya ang susi at binuksan iyon.
Walang magandang bagay ang laman ng kahon.
Isang langkay na humuhugong na mga putakte ang naglabasan at dumuro sa kanya.
Ang mga putakteng yao’y ang tagapaghatid ng iba’t ibang uri ng sakit na tulad
ng lagnat, kolera, rayuma at iba pa. Ang iba sa kanila’y kinatawan ng maiitim
na damdaming tulad ng inggit, panibugho, sama ng loob at masasamang kaisipan.
Ang mga putakte’y naglagusan sa mga bintana
at mga pintuan ng bahay. Lumipad sila hanggang alapaap at dahil sa dami ay
nangulimlim tuloy ang araw. Sina Epimitiyus at ang kanyang mga kaibigan ay
nagliibang noon sa may di kalayuan sa tahanan. Narinig nila ang nangangalit na
hugong ng mga sakit, salot at maiitim na damdamin.
Dinuro sila ng mga kulisap at noon di’y
nagkagulo sila. Nagpalitan sila nang masasakit na salita. Ang magkakaibiga’y nagging
magkakagalit. Sa mukha ng bawat isa’y nabadha ang bangis at ngitngit. Naglaho
ang panahon ng kawalang malay.
Samantala, si Pandora ay nanlalambot sa
tahanan. Naisara na niya ang takip ng kahon, ngunit totoong huli na! Lahat ng
nakakulong roon, maliban sa isang kulisap, ay nakakawala at nagsasabog na ng
pinsala sa lupa. Hugong nang hugong ang kulisap na naiwan sa loob ng kahon.
Narinig ni Pandora ang maliit na tinig na nagsasabi: “palayain mo ako!
Palabasin mo ako!
“Hindi” ang sabi ni Pandora, “hindi kita
palalabasin. Mamalagi ka riyan!”
Walang tigil ang paghugong at pagkatok ng
maliit na kulisap sa loob ng kahon. Sa wakas, napilitan rin si Pandorang buksan
ang kahon. Isang magandang kulisap na may busilak na bagwis ang lumabas sa
kahon. Ikinampay ang kanyang mga pakpak na waring nasisiyahan sa liwanag.
“Ako ang Pag-asa! Ako ang Pag-asa!” ang
awit niya.
Sa wari ni Pandora ay lalong gumanda ang
daigdig dahil sa awit na yaon. Lumabas sa tahanan ang kulisap. Nagtungo sa pook
na pinag-aawayan nina Epimitiyus at ng kanyang mga kaibigan. Sa kanyang
pagdating ay natigil ang awayan. Nanumbalik ang kapayapaan, ngunit hindi na ang
dating kapayapaan ng may malilinis na budhi. Gayunman, habang may pag-asa sa
daigdig, ay nauunawaan ng mga lalaking nakalasap ng unang lungkot na walang
kaguluhang napakasama ang di pangingibabawan ng buti.
pagkakasunod sunod ng mitong ang kahon ni pandora?
ReplyDeleteSimulan mo sa One tas sunod mo ang three and four.
DeleteAno ang suliranin nito?
ReplyDeleteMagbasa ka kaya
Deletehahaha
DeleteOo nga, magbasa ka kase!
DeleteKung Mahal mo ang isang tao wala ako pake
DeleteAno Ang iskema nito?
ReplyDeleteGwapo Si Beryl
ReplyDelete😂
ReplyDeleteano ang solusyon?
ReplyDeletePag asa
DeleteAno po yung pinakamahalagang mensahe Kay Pandora po?
ReplyDeleteHuwag magpadala sa emosyon dahil madalas hindi maganda ang kalalabasan.
Deletepano yung aken
ReplyDeletemalay ko sayo
Delete8=D
ReplyDeleteBuod
ReplyDeletemamamo panot
DeletePotaccaaa. HAHAHAHAHAHA
Delete0-0
ReplyDeletesino ang may akda nito?
ReplyDeleteAno ang reaksiyon niyo sa pahayag na : "Habang may pag-asa sa daigdig, ay nauunawaan ng mga lalaking
ReplyDeletenakalasap ng unang lungkot na walang kaguluhang napakasama ang
di pangingibabawan ng buti."
mamamo
ReplyDeleteAno ang laman ng kahon ni Pandora na kung saan ay dapat manatili sa isang tao?
ReplyDeleteheeyyyyy
Deletemaraming mga bagay natutunan si pandora natalos Ang hiwaga Ng apoy kahanga hanga init Ng araw kataka takang lamig Ng gabi?
ReplyDelete