Ang sariling wika ng isang lahi
Ay mas mahalaga sa kayamanan
Sapagkat ito’y kaluluwang lumilipat
Mula sa henerasyon patungo sa iba
Nangangalap ng karanasan, gawi,
Pagsamba, pagmamahal, pagtatangi at
pagmithi.
Nais mo bang mabatid layunin ng
kanyang puso,
Ang kanyang mga pangarapin.
Mainit na pagmamahal na sa puso’y
bunubukal
Kasama ng mahalagang layuning nabubuo
sa isipan?
Pakinggan ang makahulugang gintong
salita
Na sa kanyang bibig ay nagmumula.
Minanang wikang itinanim sa isipan
Iniwan ng ninuno, tula ng iniingatang
yaman
Pamanang yamang di dapat pabayaan
At dapat pagyamanin ng mga paghihirap
Para sa kaunlaran, di dapat masayang
Tulad ng halaman na natuyot at
nangalagas sa tangkay.
Minana nating wika’y
Maihahambing sa pinakadakila
Ito’y may ganda’t pino,
Aliw-iw at himig na nakakahalina
Init nito’t pag-ibig mula sa musa
Pagpapahayag ng pagmamahal ay kanyang
kinuha.
Wikang Kapampangan, buo ang iyong
ganda
Ang himig ng iyong tunog
Tulad ng pagaspas ng bagwis ng mga
ibon
Tulad ng awit na likha ng brilyanteng
makinang
Tulad ng lagaslas na himig ng tubigan
Tulad ng awit ng malamig na hanging
amihan.
Wikang Kapampangan, ikaw ay mahalaga
Sa lahat ikaw ay maikokompara
Ikaw ang mapagmahal at matamis na
pahayag ng pag-ibig
Tulad mo’y walang katapusang awit
Ang lahat sa iyo ay tulad ng
bumubukang bulaklak.
who's the author of this poem?
ReplyDeleteLourdes C. Punzalan
DeleteWalang kahulugan sa bawat taludtud
ReplyDeleteSorry nangotana lang maganda kasi e
ReplyDeleteSorry nangotana lang maganda kasi e
ReplyDeleteAng ganda ng tula ,gusto kung iphayag sa lahat para malaman nila na hindi ito biro lamang
ReplyDeleteπ₯°π₯°π₯°π₯°π₯°π₯°π₯°π₯°π₯°π₯°π₯°π₯°π₯°π₯°π₯°π₯°π₯°π₯°ππππππ
DeleteAno po ang ibig sabihin ng"Ang lahat sa iyo ay tulad ng bumubukang bulaklak "
ReplyDeleteano po ang sukat, tugma, talinghaga at kariktan ng tulang ito?
ReplyDeleteano po ang sukat, tugma, talinghaga at kariktan ng tulang ito?
ReplyDeleteAno ang kariktan at talinhaga ng tula
ReplyDelete