Friday, March 11, 2016

Mga Bahagi ng Liham

1. Pamuhatan - Ito ay naglalaman ng kumpletong lugar ng taong sumulat at petsa kung kailan ito isinulat.
Halimbawa:
        7 Forestry Street, Vasra Village
        Calamba, Laguna

2. Bating Panimula - Ito ay pagbati bilang pagbibigay galang sa taong sinulatan.
Halimbawa:
         Mahal kong pinsan,

3. Katawan ng Liham - Ito ang bahagi ng liham kung saan nakapaloob ang mga bagay na nais mo ipaalam sa taong susulatan.
Halimbawa:
           Inaanyayahan kita sa aking nalalapit na kaarawan.

4. Bating Pangwakas - Ito naman ay nagpapahayag ng magalang na pamamaalam ng sumulat.
Halimbawa:
            Nagmamahal,

5. Lagda - Dito sinasaad ang pangalan ng taong sumulat.
Halimbawa:
              Fely

2 comments: