Ang Pabula ay isang uri ng panitikan na kung saan ang mga tauhan ay mga hayop ang nagbibigay buhay. Naagsasalita sila tulad ng mga taong tauhan sa isang kwento.
Noong unang panahon, sa kagubatan naglalaro ang batang palaka na ang tanging gawain ay ang paglundag sa mga halaman, nang sa di kaginsa-ginsa'y nakakita ng isang uri ng hayop na may kahabaan, payat, at may makintab na balat na ang kulay ay katulad ng isang balangaw.
Ang unang tanong ni palaka, ''Maaari ka bang makilala? Ano ang iyong ginagawa at lagi kang nakahiga sa daanan?'' ''Nagpapainit lang ako sa araw,'' anang ahas na umiikot at inayos ang katawan sa paraang pabilog.'' Ako ay si Batang Ahas, ikaw anong pangalan mo?'' Ako si Batang Palaka. Gusto mo bang makipaglaro sa akin?'' Nagkasundo sila at ang paglalaro ay ginawa buong umaga sa kagubatan. Tingnan mo ang gagawin ko, ang sabi ng batang palaka at lumundag-lundag na nang mataas. '' Gusto mo bang turuan kita kung paano ito isinasagawa?'' ang tanong ni Palaka. Tinuruan ni Palaka si Ahas at sila'y lumundag-lundag nang magkasabay sa kagubatan.
''Pagmasdan mo naman ang gagawin ko'' sabi ni Batang Ahas at nagsimula siyang gumapang sa isang mataas na puno. Kaya itinuro ng batang ahas kung paanong paraan padudulasin ni Batang Palaka ang tiyan nito para makagapang sa puno.
Dumating ang pagkakataong kapwa bagutom ang dalawang bata, daan para ang pagpapaalaman ay maganap, sa pangakong muli silang magkikita sa susunod na araw. Nagpasalamat sa batang palaka si Batang Ahas sa pagtuturo sa kanya na lumundag. Pasalamat din ang ipinahatid ng batang palaka na pinadudulas ang tiyan at gumagapang.
Sambit ng ina, ''Paano mo iyan natutunan?'' ''Tinuruan ako ni Batang Ahas. Naglaro kami buong maghapon sa kagubatan, siya ang aking bagong kaibigan'' sagot ni Batang Palaka.
''Ang pamilya ng mga ahas ay masasama! May lason ang kaniyang ngipin, iwasan mong makipagkita at makipaglaro sa kanya, at ayaw ko ring makita na pinadudulas ang iyong tiyan, nauunawaan mo ba?'' sabi ni Inang Palaka.
Samantala umuwi si Batang Ahas na lumulundag-lundag para makita ng kanyang ina. ''Sino ang nagturo sa iyo niyan?'' tanong ng ina ni Batang Ahas. ''Si Batang Palaka, siya ang bago kong kaibigan,'' sagot ni Batang Ahas.
Nang magkita ang dalawa kinabukasan ay nag-usap sila, pero malayo sila sa isa't isa. Ang sabi ni Batang Palaka, ''Hindi na ako pwedeng makipaglaro sa iyo.'' Matahimik na pinagmasdan siya ng batang ahas, at naalala ang sabi ng kanyang ina kapag muli mo siyang nakita hulihin at siya'y kainin. Nagbuntong hininga si Batang Ahas at malungkot na lumayo sa kaibigang si Batang Palaka. Paano niya malilimot ang masasayang araw nilang dalawa sa kagubatan, at ang pagsasamahang walang halong pag-iimbot?
Hindi na muling naglaro ang dalawa na magkasama pero malimit silang magkita na nagpapainit sa araw, at madalas na mag-isip tungkol sa naging karanasan at kinahantungan ng kanilang pagiging magkaibigan.

Tnx, assignment namin yan sa filipino
ReplyDeleteHelo po, asked lang po ako ng permiso kung pwede ko pong magamit ang pabulang ito para sa aking thesis.
ReplyDeletePwede po bang magamit ko to para sa project namin sa Filipino
ReplyDeleteSalamat po
Sino mga tauhan?
ReplyDeleteAno ang nakuha mong aral dito?
U
ReplyDeleteAno ang mga katangian nina ahas at palaka?
ReplyDelete