Sunday, June 10, 2018

Rubric sa Pagbuo Ng Sanhi at Bunga



Pamantayan
1
2
3
Sarili
Pangkat
Pahayag na itinala
Walang pahayag na naitala.
May 3 hanggang 4 na pahayag ang naitala.
May 4 hanggang 5 pahayag ang naitala.


Paggamit ng salita
Hindi maayos at di angkop ang salitag ginamit.
Katamtamang husay ang salitang ginamit.
Napakaayos at napakahusay ng mga salitang ginamit.


Kaisipan
Walang pagkakaugnay ang mga diwa ng mga pangungusap na isinulat.
May 2 hanggang 3 diwa ng mga pangungusap ang magkakaugnay.
Napakahusay ng pagkakaugnay ng diwa ng pangungusap.


Kaangkupan sa paksa
Hindi angkop ang mga pahayag sa paksang tinalakay.
May 2 hanggang 3 pahayag ang may kaangkupan sa paksa.
Angkop na angkop ang mga pahayag sa paksa.


Katotohanan ng mga pahayag
Walang katotohanan ang mga pahayag.
May katotohanan ang 2 hanggang 3 pahayag.
Lubhang makatotohanan ang lahat ng pahayag.





Kabuuang Puntos


Uri ng Tayutay na Ginagamit sa Tula


1. Pagtutulad o Simili – Ito ay paghahambing ng dalawang magkaibang bagay subalit magkatimbang ang kahulugan. Ginagamitan ito ng mga salita o pariralang tulad ng, gaya ng, paris ng, wagis ng, animo at iba pa.
Halimbawa: Ang buhay ng tao ay tulad ng isang guryon na nakikipagdagitan sa hangin.

2. Pagwawangis o Metapora – Tuwiran itong paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Hindi ito ginagamitan ng ibang salita o pariralng tulad ng, gaya ng, wangis ng, paris ng, animo at iba pa.
Halimbawa: Ang buhay ay guryon, marupok at malikot.

3. Pagbibigay-katauhan o Personipikasyon – Tumutukoy ito sa paglilipat ng kaatangian o katalinuhan ng isang tao sa mga bagay na walang buhay. Kadalasang pandiwa ang ginagamit dito.
Halimbawa: Kasabay ng guryon sa himpapawid ang mga ibon ay nagsasayaw habang umaawit.

4. Pagmamalabis o Eksaherasyon – Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katangian ng isang bagay o tao na nais ipahayag.
Halimbawa: Oh, paliparin mo’t ihalik sa Diyos bago tuluyang sa lupa sumubsob.

5. Pagpapalit-saklaw o Synecdoche – Ang tayutay na ang binabanggit ay ang bahagi sa halip na kabuuan.
Halimbawa: Kung saka-sakaling di na mapabalik, maawaing kamay nawa ang magkamit.

Rubric sa Pagbuo ng Larawan/Collage

Pamantayan
1
2
3
Sarili
Pangkat
Pagkamalikhain
Hindi naging malikhain sa pagbuo ng collage.
Naging malikhain sa pagbuo ng collage
Lubusang nagpamalas ng pagiging malikahain sa pagbuo ng collage.


Kaangkupan sa paksa
Hindi angkop ang nabuong collage.
Angkop ang ilang (kalahati) bahagi ng collage.
Lubusang napakaangkop ng nabuong collage.


Presentasyon
Hindi naging malinaw ang intensyon o detalyeng ipinahayag ng collage.
Naging malinaw ang intension o detalyeng ipinahahayag ng collage.
Lubusang malinaw ang intension o detalyeng ipinahahayag ng collage.


Mensahe
Hindi angkop ang mensaheng ipinahahatid ng collage.
Angkop ang mensaheng ipinahahatid ng collage.
Lubusang angkop na angkop ang mensahe ng collage.


Kalinisan at kaayusan
Di malinis at maayos ang pagkakabuo ng collage.
Naging malinis at maayos ang pagkakabuo ng collage.
Lubusang napakalinis at maayos ang pagkakaguhit ng collage.





Kabuuang Puntos


Rubric Sa Pagbuo ng Komik Istrip

Pamantayan
1
2
3
Sarili
Pangkat
Larawan at pahayag na ginamit
Walang kaugnayan ang larawan sa pahayag na ginamit.
May ilang larawan at pahayag (2-3) may angkop na interpretasyon.

Angkop na angkop ang mga larawan at pahayg na ginamit.


Kaisahan ng mga pangyayari
Walang kaisahan ang mga pangyayaring inilahad sa isa’t isa.
May dalawa hanggang tatlong pangyayaring inilahad ang may kaisahan o kaugnayan sa isa’t isa.

Magkakaugnay ang mga pangyayaring ginamit o inilahad.


Salitang ginamit
Hindi angkop ang mga salitang ginamit sa mga pahayag.
May dalawa o tatlong salita ang hindi angkop sa mga pahayag.

Angkop na angkop ang mga salitang ginamit sa mga pahayag.


Paghikayat sa tagapakinig
Di kaganyak-ganyak ang mga pahayag sa mga tagapakinig.

Kaganyak-ganyak ang mga pahayag sa mga tagapakinig.
Lubhang kaganyak-ganyak ang mga pahayag sa mga tagapakinig.


Kaangkupan sa paksa
Hindi angkop ang nabuong komik istrip sa paksa.
Angkop ang  ilang bahagi ng komik istrip sa paksa. May dalawa hanggang tatlong bahagi lamang.

Lubhang napakaanggkop ng mga bahagi ng komik istrip sa paksa.





Kabuuang Puntos