Sunday, June 10, 2018

Uri ng Tayutay na Ginagamit sa Tula


1. Pagtutulad o Simili – Ito ay paghahambing ng dalawang magkaibang bagay subalit magkatimbang ang kahulugan. Ginagamitan ito ng mga salita o pariralang tulad ng, gaya ng, paris ng, wagis ng, animo at iba pa.
Halimbawa: Ang buhay ng tao ay tulad ng isang guryon na nakikipagdagitan sa hangin.

2. Pagwawangis o Metapora – Tuwiran itong paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Hindi ito ginagamitan ng ibang salita o pariralng tulad ng, gaya ng, wangis ng, paris ng, animo at iba pa.
Halimbawa: Ang buhay ay guryon, marupok at malikot.

3. Pagbibigay-katauhan o Personipikasyon – Tumutukoy ito sa paglilipat ng kaatangian o katalinuhan ng isang tao sa mga bagay na walang buhay. Kadalasang pandiwa ang ginagamit dito.
Halimbawa: Kasabay ng guryon sa himpapawid ang mga ibon ay nagsasayaw habang umaawit.

4. Pagmamalabis o Eksaherasyon – Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katangian ng isang bagay o tao na nais ipahayag.
Halimbawa: Oh, paliparin mo’t ihalik sa Diyos bago tuluyang sa lupa sumubsob.

5. Pagpapalit-saklaw o Synecdoche – Ang tayutay na ang binabanggit ay ang bahagi sa halip na kabuuan.
Halimbawa: Kung saka-sakaling di na mapabalik, maawaing kamay nawa ang magkamit.

1 comment:

  1. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    ReplyDelete