Monday, October 31, 2016

RUBRIC SA KILOS-AWIT

Pamantayan
            1
            2
             3
Sarili
Pangkat
Interpretasyon/Kilos
Hindi angkop ang interpretasyon o kilos batay sa awit/pyesang iniinterpret.
May katamtamang kawastuhan ang interpretasyon o kilos batay sa awit o pyesang iniinterpret.
Napakagaling ng interpretasyon o kilos batay sa awit o pyesang iniinterpret.


Koryograpi
Di magaling ang koryograpi. Hindi sabay-sabay at walang pagkakatugma ang mga kilos at galaw.
May katamtamang galling ang koryograpi. Naging sabay-sabay at may pagtutugma ang ilang bahagi ng kilos at galaw.
Napakagaling ng koryograpi. Naging sabay-sabay at may pagkakatugma ang kilos at galaw mula simula hanggang wakas.


Ekspresyon ng mukha at damdamin
Walang ekspresyon ng mukha at di binigyan ng angkop na damdamin ang kilos at galaw.
May tamang ekspresyon ng mukha at binigyan ng angkop na damdamin ang ilang bahagi ng kilos-awit.
Napakagaling ng ekspresyon ng mukha at may wastong damdamin ang kilos at galaw mula simula hanggang wakas.


Kasuotan at props na ginamit
Hindi angkop ang mga kasuotan at props na ginamit.
Hindi gaanong angkop ang kasuotan at props na ginamit.
Napakaganda at angkop na angkop ang kasuotan at props na ginamit.


Panghikayat sa madla
Nangangailangan pa ng kasanayan at walang kasanayang pangtanghalan.
Katamtamang may panghikayat sa madla at may kakayahang pantanghalan.
Napakagaling ng panghikayat sa madla at may kakayahang pantanghalan.





Kabuuang Puntos


RUBRIC SA AKROSTIK

Pamantayan
                1
              2
                 3
Sarili
Pangkat
Salitang ginamit
Di-angkop ang mga salitang ginamit.
Angkop ang mga salitang ginamit.
Angkop na angkop ang mga salitang ginamit.


Kaugnayan ng pahayag sa paksa
Di-kaugnay ang mga pahayag na ginamit sa paksa.
Magkaugnay ang mga pahayag na ginamit sa paksa.
Magkaugnay na magkaugnay ang mga pahayg na ginamit sa paksa.


Pagsunod sa panuto
Di nakasunod sa panutong ibinigay.
Nakasunod sa ilang panutong ibinigay.
Nakasunod sa lahat ng panutong ibinigay.


Kawastuhan ng mga salitang ginamit
Di wasto ang salitang ginamit
Wasto ang ilang mga salitang ginamit.
Wastong-wasto ang lahat ng ginamit na salita.


Kalinisan at kaayusan ng pagkakagawa o pagkakasulat
Di gaanong malinis at maayos ang pagkakagawa at pagkakasulat.
Malinis at maayos ang pagkakagawa at pagkakasulat.
Napakalinis at napakaayos ng pagkakagawa at pagkakasulat.





Kabuuang Puntos


RUBRIC SA GINAWANG ISLOGAN/POSTER

MGA KRAYTERYA

              4

             3

            2

           1
Sarili
Pangkat
Pagkamalikhain
Lubos na nagpamalas ng pagkamalikhain sa paghahanda.
Naging malikhain sa paghahanda.
Hindi gaanong naging malikhain sa paghahanda.
Walang ipinamalas na pagkamalikhain sa paghahanda.


Pamamahala ng Oras
Ginamit ang sapat na oras sa paggawa ng sariling disenyo sa gawain.
Ginamit ang oras na itinakda sa paggawa at naibigay sa tamang oras.
Naisumite dahil binantayan ng guro
Hindi handa at hindi tapos.


Presentasyon
Lubhang naging malinaw ang pagbigkas at paghahatid ng mensahe.
Naging malinaw ang pagbigkas at paghahatid ng mensahe.
Hindi gaanong malinaw ang pagbigkas at paghahatid ng mensahe.
Hindi naging malinaw ang pagbigkas/paghahatid ng mensahe.


Organisasyon
Buo ang kaisipan konsistent, kumpleto ang detalye at napalinaw.
May kaishan at may sapat na detalye at malinaw na intension.
Konsistent, may kaisahan, kulang sa detalye at hindi gaanong malinaw ang intension
Hindi ganap ang pagkakabuo, kulang ang detalye at di-malinaw ang intensyon


Kaangkupan sa Paksa
Angkop na angkop ang mga salita (islogan) at larawan sa paksa.
Angkop ang mga salita o islogan sa larawan ng paksa.
Hindi gaanong angkop ang mga salita at larawan sa paksa
Hindi angkop ang mga salita at larawan sa paksa.






Kabuuang Puntos


                                         Level ng Pagsasagawa (Performance)

RUBRIC SA PAGTATANGHAL NG DULA

Krayterya
Lubhang Kahika-hikayat
                  
                  3
Kahika-hikayat
                     
                      2
Di-Gaanong Kahika-hikayat
                  1
Sarili
Pangkat
Tinig
Angkop ang paghina at paglakas ng tinig ayon sa diwa at damdaming nakapaloob sa binasa
Pabagu-bago ang lakas at hina ng boses at katamtaman lamang ang pagpapadama ng damdamin
Di-gaanong naiparinig ang pagbabago ng lakas at hina ng tinig gayundin ang damdaming nakapaloob sa binasa.


Tindig
Akma ang bawat kilos at galaw
May ilang galaw at kilos na di-gaanong angkop.
Kulang ang kilos na ipinakita.


Bigkas
Malinaw ang bigkas. Napalutang nito ang damdaming namamayani rito
Malinaw ang bigkas bagamat may ilang bahagi ito na di-gaanong nabigkas
Di-gaanong malinaw ang pagbigkas sa mga salita.


Panghikayat Sa Madla
Taglay nito ang panghikayat sa madla at nakikinig dahil sa naging reaksyon ng tagapakinig
Taglay ang hikayat sa madla ngunit katamtaman lamang ang reaksyon ng madla
Hindi gaanong nahikayat ang mga nakikinig dahil walang gaanong reaksyong makikita sa kanila.


Kaangkupan ng paksa
Angkop na angkop ang napiling salita sa paksa.
Angkop ang ilang bahagi ng salita sa paksang tinalakay.
Hindi angkop ang napiling salita sa paksa.





Kabuuang Puntos