Pamantayan
|
1
|
2
|
3
|
Sarili
|
Pangkat
|
Interpretasyon/Kilos
|
Hindi
angkop ang interpretasyon o kilos batay sa awit/pyesang iniinterpret.
|
May
katamtamang kawastuhan ang interpretasyon o kilos batay sa awit o pyesang
iniinterpret.
|
Napakagaling
ng interpretasyon o kilos batay sa awit o pyesang iniinterpret.
|
|
|
Koryograpi
|
Di
magaling ang koryograpi. Hindi sabay-sabay at walang pagkakatugma ang mga
kilos at galaw.
|
May
katamtamang galling ang koryograpi. Naging sabay-sabay at may pagtutugma ang
ilang bahagi ng kilos at galaw.
|
Napakagaling
ng koryograpi. Naging sabay-sabay at may pagkakatugma ang kilos at galaw mula
simula hanggang wakas.
|
|
|
Ekspresyon
ng mukha at damdamin
|
Walang
ekspresyon ng mukha at di binigyan ng angkop na damdamin ang kilos at galaw.
|
May tamang
ekspresyon ng mukha at binigyan ng angkop na damdamin ang ilang bahagi ng
kilos-awit.
|
Napakagaling
ng ekspresyon ng mukha at may wastong damdamin ang kilos at galaw mula simula
hanggang wakas.
|
|
|
Kasuotan
at props na ginamit
|
Hindi
angkop ang mga kasuotan at props na ginamit.
|
Hindi
gaanong angkop ang kasuotan at props na ginamit.
|
Napakaganda
at angkop na angkop ang kasuotan at props na ginamit.
|
|
|
Panghikayat
sa madla
|
Nangangailangan
pa ng kasanayan at walang kasanayang pangtanghalan.
|
Katamtamang
may panghikayat sa madla at may kakayahang pantanghalan.
|
Napakagaling
ng panghikayat sa madla at may kakayahang pantanghalan.
|
|
|
|
|
|
Kabuuang
Puntos
|
|
|
Monday, October 31, 2016
RUBRIC SA KILOS-AWIT
RUBRIC SA AKROSTIK
Pamantayan
|
1
|
2
|
3
|
Sarili
|
Pangkat
|
Salitang
ginamit
|
Di-angkop
ang mga salitang ginamit.
|
Angkop ang
mga salitang ginamit.
|
Angkop na
angkop ang mga salitang ginamit.
|
|
|
Kaugnayan
ng pahayag sa paksa
|
Di-kaugnay
ang mga pahayag na ginamit sa paksa.
|
Magkaugnay
ang mga pahayag na ginamit sa paksa.
|
Magkaugnay
na magkaugnay ang mga pahayg na ginamit sa paksa.
|
|
|
Pagsunod
sa panuto
|
Di
nakasunod sa panutong ibinigay.
|
Nakasunod
sa ilang panutong ibinigay.
|
Nakasunod
sa lahat ng panutong ibinigay.
|
|
|
Kawastuhan
ng mga salitang ginamit
|
Di wasto
ang salitang ginamit
|
Wasto ang
ilang mga salitang ginamit.
|
Wastong-wasto
ang lahat ng ginamit na salita.
|
|
|
Kalinisan
at kaayusan ng pagkakagawa o pagkakasulat
|
Di gaanong
malinis at maayos ang pagkakagawa at pagkakasulat.
|
Malinis at
maayos ang pagkakagawa at pagkakasulat.
|
Napakalinis
at napakaayos ng pagkakagawa at pagkakasulat.
|
|
|
|
|
|
Kabuuang
Puntos
|
|
|
RUBRIC SA GINAWANG ISLOGAN/POSTER
MGA
KRAYTERYA
|
4
|
3
|
2
|
1
|
Sarili
|
Pangkat
|
Pagkamalikhain
|
Lubos
na nagpamalas ng pagkamalikhain sa paghahanda.
|
Naging
malikhain sa paghahanda.
|
Hindi
gaanong naging malikhain sa paghahanda.
|
Walang
ipinamalas na pagkamalikhain sa paghahanda.
|
|
|
Pamamahala
ng Oras
|
Ginamit
ang sapat na oras sa paggawa ng sariling disenyo sa gawain.
|
Ginamit
ang oras na itinakda sa paggawa at naibigay sa tamang oras.
|
Naisumite
dahil binantayan ng guro
|
Hindi
handa at hindi tapos.
|
|
|
Presentasyon
|
Lubhang
naging malinaw ang pagbigkas at paghahatid ng mensahe.
|
Naging
malinaw ang pagbigkas at paghahatid ng mensahe.
|
Hindi
gaanong malinaw ang pagbigkas at paghahatid ng mensahe.
|
Hindi
naging malinaw ang pagbigkas/paghahatid ng mensahe.
|
|
|
Organisasyon
|
Buo
ang kaisipan konsistent, kumpleto ang detalye at napalinaw.
|
May
kaishan at may sapat na detalye at malinaw na intension.
|
Konsistent,
may kaisahan, kulang sa detalye at hindi gaanong malinaw ang intension
|
Hindi
ganap ang pagkakabuo, kulang ang detalye at di-malinaw ang intensyon
|
|
|
Kaangkupan
sa Paksa
|
Angkop
na angkop ang mga salita (islogan) at larawan sa paksa.
|
Angkop
ang mga salita o islogan sa larawan ng paksa.
|
Hindi
gaanong angkop ang mga salita at larawan sa paksa
|
Hindi
angkop ang mga salita at larawan sa paksa.
|
|
|
|
|
|
|
Kabuuang
Puntos
|
|
|
Level ng Pagsasagawa
(Performance)
|
RUBRIC SA PAGTATANGHAL NG DULA
Krayterya
|
Lubhang
Kahika-hikayat
3
|
Kahika-hikayat
2
|
Di-Gaanong
Kahika-hikayat
1
|
Sarili
|
Pangkat
|
Tinig
|
Angkop
ang paghina at paglakas ng tinig ayon sa diwa at damdaming nakapaloob sa
binasa
|
Pabagu-bago
ang lakas at hina ng boses at katamtaman lamang ang pagpapadama ng damdamin
|
Di-gaanong
naiparinig ang pagbabago ng lakas at hina ng tinig gayundin ang damdaming
nakapaloob sa binasa.
|
|
|
Tindig
|
Akma
ang bawat kilos at galaw
|
May
ilang galaw at kilos na di-gaanong angkop.
|
Kulang
ang kilos na ipinakita.
|
|
|
Bigkas
|
Malinaw
ang bigkas. Napalutang nito ang damdaming namamayani rito
|
Malinaw
ang bigkas bagamat may ilang bahagi ito na di-gaanong nabigkas
|
Di-gaanong
malinaw ang pagbigkas sa mga salita.
|
|
|
Panghikayat
Sa Madla
|
Taglay
nito ang panghikayat sa madla at nakikinig dahil sa naging reaksyon ng
tagapakinig
|
Taglay
ang hikayat sa madla ngunit katamtaman lamang ang reaksyon ng madla
|
Hindi
gaanong nahikayat ang mga nakikinig dahil walang gaanong reaksyong makikita
sa kanila.
|
|
|
Kaangkupan
ng paksa
|
Angkop
na angkop ang napiling salita sa paksa.
|
Angkop
ang ilang bahagi ng salita sa paksang tinalakay.
|
Hindi
angkop ang napiling salita sa paksa.
|
|
|
|
|
|
Kabuuang
Puntos
|
|
|
Thursday, June 9, 2016
IMPONG SELA (Maikling Kwento)
Noon ay buong kataimtimang minamalas ni
Impong Sela ang kanyang lalabing-animing taong apong lalaki sa pagkakahigang
walang katinag-tinag. Sa ilalim ng maputing kumot, ang kanyang apong nakatihaya
ay matuwid na matuwid na katulad ng isang bangkay, walang kakilus-kilos
maliban, marahil sa maminsan-minsang pagkibot ng mga labing nanunuyo at halos
kasimputla na ng isperma. Maya-maya’y marahang dinama ng kanyang palad ang noo
ng nahihimlay na maysakit. Sa gayong pagkakadantay, ang nakahiga ay napakislot
na animo’y biglang nagulat ngunit hindi rin nabalino sa pagkakahimbing.
“Maria Santisima!” ang nahihintakutang
bulong ni Impong Sela sa kanyang sarili samantalang iniaangat ang kanyang kamay
mula sa pagkakadantay sa noo ng apo. “Nagbalik na naman ang kanyang lagnat.”
Ang matanda’y nakaramdam ng isang biglang
bugso ng lungkot sa kanyang dibdib. Ang lagnat ng bata ay nawala na, dalawang
araw na ang nakararaan, salamat sa kanyang santong kalagyo, ngunit ngayo’y…
Mahal na Ina ng Awa!
Ito’y kanyang ikinababalisa. Nalalaman
niyang ang lagnat na nagbabalik ay lubhang mapanganib. Ano kaya kung ang
kanyang apo, ang kanyang pinakamamahal na si Pepe’y… Maawaing langit!
Bakit, hindi ba siya ang maituturing na
nagpalaki sa kanyang apong ito! Kauna-unahan niyang apong lalaki sa kanyang
kaisa-isang anak na lalaki, sa katauhan ni Pepe ay ibinuhos ni Impong Sela ang
lahat na ng pagmamahal at pag-aaruga ng isang impo. Hindi halos nalalaman ng
mga magulang nito kung paano siya lumaki. Laki sa nuno ang tawag sa kanya. At
tapat sa kasabihang iyon, si Pepe’y lumaki sa layaw, sa malabis na
pagpapalayaw.
Siya ang naging dahilan ng malimit na
pagkakagalit ni Conrado at ni Impong Sela. May mga pagkakataong ang anak at ang
ina ay nagkakapalitan ng maiinit na sagutan, ngunit kailanman, palaging ang
matanda ang nagtatagumpay. Hindi niya mapapayagang masaling man lamang ng ama
ang kanyang si Pepe.
At saka ngayo’y…
Si Impong Sela’y nagsimulang mag-isip nang
malalim. Kailangang si Pepe’y maligtas sa kuko ng kamatayan. Sa kanyang
pagkalito ay pumasok sa diwa ang gunita ng mga santo, panata, debosyon…
A…!
“Mahal na Hesus Nazareno!” ang kanyang
marahang bulong kasabay ang pagtitirik ng mga mata. “Para Mo nang awa! Iligtas
Mo po ang aking apo at magsisimba kami ng siyam na Biyernes sa Quiapo. Huwag Mo
Po siyang kunin.”
Natatandaan pa niyang ang panata ring yaon
ang nagligtas sa kanyang anak na ama ni Pepe nang ito’y pitong taon pa lamang.
Kahimanawari’y ito rin ang magligtas naman sa kanyang apo!
Maya-maya, ang maysakit ay kumilos.
Dahan-dahang idinilat niya ang kanyang mga matang wari ay nananaginip at saka
tumingin-tingin sa kanyang paligid. Hindi naglaon at namataan niya ang kaniyang
impo sa kanyang tabi. Inilabas niya ang kanyang kamay sa kumot at saka iniabot
ang kamay sa matanda.
“Lola,” ang mahinang tawag.
“Oy, ano iyon, iho?” ang tugon ni Impong
Sela sabay pihit at yumukod nang bahagya upang mapakinggan niyang mabuti ang
sasabihin ni Pepe.
“Nagugutom ako.”
“Ikukuha kita ng gatas.”
“Ayoko. Sawa na ako sa gatas.”
Ang matanda ay nag-atubili. Gatas, sabaw ng
karne, katas ng dalandan, tsaa at wala na. Ang mga ito lamang ang maaaring
ipakain sa kanya ayon sa bilin ng doctor.
“Ibig mo ng kaldo, anak?”
“Ayoko!”
“Katas ng dalandan?” Kangina lamang umaga’y
itinulak niya at natapontuloy ang idinulot ng matanda. At si Pepe’y ayaw na
ayaw ng tsaa, noon pa mang siya’y malakas.
“Lola, nagugutom ako!” Ang tinig ni Pepe’y
may kahalo nang pagkainip.
“Sandali lang iho,” sabay tindig ng matanda
at lumabas sa silid.
Pagkaraan ng ilang sandal, si Impong Sela’y
nagbalik na taglay na sa kanyang kamay ang isang pinggan ng kaning sinabawan ng
sinigang na karne at isang kutsara.
“Eto, anak, ngunit huwag kang kakain nang
marami, hane?”
Pagkakita sa pagkain, si Pepe’y nagpilit na
makaupo ngunit pabagsak na napahigang muli sa unan. Ang matanda’y nagmamadaling
lumapit sa apong nanghihina.
“Huwag kang pabigla-bigla, iho,” aniya,
samantalang inaayos ang mga unan sa tabi ng dingding. “O, dito ka sumandal.”
Sa tulong ng kanyang lola, si Pepe’y
nakasandal din sa unan. At siya’y sinimulan nang pakainin ni Impong Sela. Isang
kutsara. Dalawang kutsara. Tatlo. Apat. Katulad ng isang hayok na hayok sa
gutom ay halos sakmalin ni Pepe ang bawat subo ng kanyang lola.
“Nanay! Ano ang …..” Si Conrado’y patakbong
pumasok sa silid at tinangkang agawin mula kay Impong Sela ang pinggan ng kanin
ngunit huli na! Ang pinggan ay halos wala nang laman.
“Nanay! Wala ba kayong isip?” ang sa
pagkabigla ay naibulalas ni Conrado. “Hindi ba ninyo nalalaman ang bilin ng
doktor na….
“Ow, hayaan mo ako!” ang madaling putol sa
kanya ng matanda. “Nalalaman ko kung ano ang aking ginagawa. Paano lalakas ang
bata kung papatayin ninyo sa gutom? Hindi siya mamatay sa kaunting kanin.
Bayaan mo siyang mamatay na nakapikit ang mata at huwag nakadilat. Totoooooy!
Neneeee!”
Ang dalawang maliliit na kapatid ni Pepe’y
tumatakbong pumasok sa loob ng silid.
“Huwag kayong tatakbo! Hindi ba ninyo
nalalamang may sakit ang inyong kapatid? O, kanin ninyo ito,” at idinulot ni
Impong Sela sa mga bata ang natirang pagkain ni Pepe, “saying kung itatapon itong
grasya ng Diyos.”
“Huwag!” ang halos naisigaw ni Conrado.
“Inay, hindi ba ninyo nalalamang si Pepe’y may tipus?”
“E, ano ngayon? Ang mga bata ay mahahawa,
hindi ba?” anang matanda sa tinig na naghahamon. “ Ang hirap sa inyo’y
pinaniniwalaan ninyong lahat ang dala rito ng mga Amerikano. May korobyo kuno
ang sakit ni Pepe na siyang makakakain ng mga bata. Tse! Bakit noong
kapanahunan namin, walang pakulo-pakulo ng tubig, walang poso-artesyano, at
nanggagaling lamang sa balon an gaming iniinom na kung minsan ay may liya pa.
Tingnan mo ako. Gaano na ako katanda ngayon? Kung ang korobyong iyang
pinagsasabi ninyo ay totoo, bakit hindi ako namatay? At kayong mga tubo sa
panahong ito na masyadong delikado sa lahat ng bagay, ilan sa inyo ang umaabot
sa edad namin? Kaululang lahat iyang pinagsasabi ninyo. Kung ibig ng Diyos na
ikaw ay mamatay ay mamamatay ka, magpagamot ka man sa isang libong doktor. Sa
kanya ka umasa at huwag sa kalokohan. Kanin ninyo ito,” ang baling sa mga apo,
“at huwag kayong parang tuod sa pagkakatayo!”
Si Totoy at si Nene ay nag-atubili at
tinapunan ng tingin ang kanilang amang pagkatapos ng mahabang “sermon” ng
kanilang lola ay walang nagawa kundi ang magsawalang-kibo na lamang.
“Bakit, natatakot ba kayo?” ang tanong ni
Impong Sela sa kanyang mga apo. Hinagisan pa man din ng isang irap ang kanyang
mga anak, at saka hinugot ang tsinelas mula sa kanyang paa. “Tingnan natin kung
sino ang masusunod sa bahay na ito! Kanin ninyo ito, kung hindi’y….”
Nanginginig na sumunod ang mga bata, samantalang
ang kanilang ama’y tumatanaw na lamang sa labas ng durungawan.
Kinabukasan, si Pepe’y nahibang sa lagnat.
Nagbalik ito sa matinding bugso na siyang hindi ikapalagay ng maysakit. Tila
siya iniihaw, pabiling-biling sa hihigan, at nakalulunos kung humahalinghing.
Sa mga mata ni Sinang na ang kanyang ina ay nalalarawan ang isang paghihirap ng
kaloobang isang ina lamang ang maaaring makadama sa gayong mga sandal,
samantalang minamalas niya ang kahambal-hambal na ayos ng kanyang anak. Naroon
din si Impong Sela. “Masama ang kanyang lagay.”
Hindi nagkamali ang doktor. Sa loob ng
sumunod na oras ay pabali-balikwas si Pepe sa higaan at naghihiyaw ng kung
anu-anong ikinakakagat ng labi ng mga nakamamalas. Ang mga luha ni Sinang ay
tila walang lagot na tanikala. Walang patid. Walang-tila. Ang mga ngipin ni
Conrado’y nagtitiim. Samantalang si Impong Sela’y bumubulong ng walang
katapusang mga panalangin.
“Sinang,” ang marahang tawag ng lalaki sa
kanyang asawa, “huwag kang umiyak. Ang mabuti kaya’y dalhin natin siya sa
ospital.”
“Ospital? At nang siya’y pabayaang mamatay
roon? Hindi! Huwag ninyong madala-dala si Pepe ko sa ospital. Kung kayo’y
nagsasawa nang mag-alaga sa kanya ay bayaan ninyo kaming maglola. Maaalagaan ko
rin siyang mag-isa. Mabuti ka ngang ama! Noong ikaw ay maliit pa, sa tuwi kang
magkakasakit ako ang nagtitiyaga sa iyo at hindi kita inihihiwalay sa aking mga
paningin. Kung ito’y hindi mo magagawa sa sarili mong anak ngayon hayaan mo’t
ako ang gagawa!”
“Ngunit, Nanay!” nasa tinig ni Conrado ang
pagsusumamo at pagmamakaawa. “Ano an gating magagawa rito? Kulang tayo sa
kagamitan. Samantalang sa ospital…”
“Samantalang sa ospital,”” kapag si Impong
Sela’y nagsimulang manggagad, siya’y handing makipaglaban, “lalo na’t ikaw ay
nasa walang bayad, ay titignan ka lamang nila kung kalian ka nila ibig tingnan.
Ano ang kuwenta sa kanila ng isang maysakit na hindi naman nila kaanu-ano?
Mamatay ka kung mamatay, ano ang halaga sa kanila niyon? Tingnan mo ang
nangyari kay Kumareng Paula, isang araw lamang sa ospital at … Ave Maria
Purisima! Huwag ninyong galawin ang apo ko! Hindi maaari!”
Sa mukha ni Conrado ay biglang sumulak ang
dugo! Ibig niyang humiyaw ibig niyang maghimagsik, ibig niyang magtaklob na ang
langit at lupa!
Ngunit mula sa kanyang nangangatal na mga
labi ay walang namutawi kundi ang impit na “Diyos ko!!!” Sa gitna ng kanyang
pagluha, ang mabait na si Sinang ay lumapit sa asawa at tinapunan iyon ng isang
“hayaan-mo-naang-Nanay” na tingin. Kasabay ang isang malalim na buntunghininga
si Conrado’y nalugmok sa isang likmuan. Ang salitaan ay napinid na.
Umagang-umaga kinabukasan, nagtaka na
lamang sila’t natagpuan sila sa isang sulok si Impong Selang nanangis, umiiyak
na nag-iisa. Siya’y hindi man lamang tinuluan ng luha ng si Pepe’y naghihirap
at saka ngayon pang si Pepe’y matiwasay na, salamat sa suwerong tinusok sa
kanya ng manggagamot ay saka…
“Bakit, Nanay?”” ang namamanghang tanong ni
Conrado.
“Naiisip-isip ko,”ang kanyang hikbi, “ang
anak na dalagita ni Juan ay kamamatay lamang noong isang linggo!”
“O, ay ano? Lalo naming namanghang tanong
ng anak na hindi maiugpong ang pagkamatay ng anal ni Mang Juan sa mga luha ng
kanyang ina.
“Iya’y totoo! Huwag mong pagtatawanan ang
matatandang pamahiin. Marami na akong nakita. Iya’y hindi nagkakabula.”
“Pawang nagkataon lamang ang nakita ninyo.
Huwag ninyong guluhin ang isip ninyo sa kaululang iyan.”
“Ang isa pa,” ang patuloy ng matandang
hindi siya pinapansin, “kagabi, ang mga
manok ay nagputakan. Nang ang nasira mong ama ay namatay ay ganyan din ang
nangyari noong huling gabi bago siya pumanaw. Kaawa-awa Pepe kooo!”
At…
Kataka-taka o hindi kataka-taka, ang luha
ni Impong Sela ay nagpatuloy ng pagdaloy hanggang ang mga luntiang damo sa
ibabaw ng puntod ng pinakamamahal niyang apo ay halos isang dangkal na ang
angat sa lupa.
Subscribe to:
Posts (Atom)